Saturday, November 3, 2018

Kaalaman Tungkol sa MADRE DE CACAO at mga Benepisyo na Makukuha Nito

                                                                           *** MADRE DE CACAO ***

Kaalaman tungkol sa MADRE DE CACAO.
Alam nyo ba na ang dahon at mga bulaklak ng MADRE DE CACAO ay ginagamit upang kontrahin ang kulam at barang sa kadahilanang mabaho ito sa pang-amoy ng mga mangkukulam. Ilagay ito sa Bilao ang dahon at mga bulaklak nito at ilagay sa ilalim ng tulugan/iniigaan ng taong kinulam, binarang, di makatulog at di din makalapit ang mga insekto tulad ng mga lamok at surot etc.


ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA MADRE DE CACAO O KAKAWATE?
Ang kahoy nito ay may taglay na STIGMASTANOL GLUCOSIDE at 3'4 - DIHYDROXY - TRANS CINNAMIC ACID OCTACOSYLESTER 2 ang buong puno nito ay may tannin na mabisang panggamot sa masamang kondisyon.
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon - karaniwang nilalaga ang dahon ng kakawate upang magamit bilang gamot. Ito ay iniinom nang parang tsaa. Maaari din itong durugin o dikdikin upang ipantapal sa ilang kondisyon sa balat.
Balat ng kahoy - Ang balat ng kahoy ay pinakukuloan din upang magamit ang pinaglagaan sa panggagamot.
Ugat - Ang ugat, tulad din ng balat ng kahoy ay pinakukuluan upang magamit ang pinaglagaan sa panggagamot.


*** Ano ang mga sakit na maaaring magamot sa KAKAWATE ***?
1. Eczema/Dermatitis - Ang katas, dahon o kaya ay pinaglagaan nito kasama ng ugat at balat ng kahoy ng KAKAWATE ay mabisa para sa mga kondisyon sa balat tulad ng Dermatitis ipinanghuhugas lamang ang mga ito sa apektadong balat.
2. Kagat ng mga insekto - Mabisang pantaboy sa mga insekto ang pagpapahid ng dahon ng KAKAWATE.
3. Sugat - Nakatutulong nang malaki sa mabilis na paghilom ng sugat ang dagta na nakukuha mula sa kahoy, ugat, at dahon ng KAKAWATE.
4. Galis - Ang paggagalis sa balat ay maiibsan din ng pagpapahid ng katas mula dahon, kahoy at ugat ng kakawate. Maaari din gamitin bilang pampahid ang dinikdik na dahon ng KAKAWATE na hinalo sa langis ng niyog.
5. Amoeba - Inumin ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng KAKAWATE ay mabisang pang-alis ng impeksyon ng maliliit na Organismo sa katawan.
6. Arthritis - Ang pananakit ng mga kasukasuan ay maaaring maibsan sa tulong ng pagtatapal ng dinikdik na dahon ng KAKAWATE.
7. Pilay sa Paa - Ipinangtatapal din ang dinikdik na dahon ng KAKAWATE upang maibsan ang pilay sa paa na dulot ng tapilok.
8. Tulo o Gonorrhea - Ang impeksyon ng Bacteria na nakaaapekto sa ari ng babae o lalaki ay maari ding magamot ng panghuhugas gamit ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ng KAKAWATE.




DISCLAIMER:


Posts on this site are sourced from the available news, photos, videos or images on the web which we found to be worth sharing to the general public. If we mistakenly included a photos or videos without proper credit or could be a violation of any intellectual property rights, please contact and inform us so that we can remove it if necessary. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. Thank you for being considerate.


No comments:

Post a Comment

Ito pala ang Magandang Dulot ng Dahon ng Saging sa Ating Katawan! (Banana Leaves Health Benefits)

Bananas are commonly found in countries like the Philippines because they thrive in a tropical climate. We're pretty lucky to h...