Friday, December 7, 2018

Nararamdaman mo bang palaging nangangati ang iyong balat? Ito lang pala ang gamot.


Nararamdaman mo bang palaging nangangati ang iyong balat, gusto mo bang palagi itong kinakamot? Ang pangangati ng balat ay isa sa pinaka popular na sakit sa balat ng mga tao kahit saan man sa mundo. Depende sa lala ng kaso, ito ay maaaring nakakairita at maging sagabal na sa pang araw araw na mga gawain kasama na ang pagtulog.

Ang pangangati ng balat ay maaaring dulot ng ilang mga salik tulad ng allergy, kagat ng insekto, impeksyon sa balat, mainit na panahon, sabon na gamit at gamot na iniinom.

Ang pagkamot ay nagdudulot ng panandaliang lunas, subalit ang patuloy na pagkamot ng balat ay maaaring maging dahilan ng pagkasugat at impeksyon. Maraming mga pamamaraan na pwede mong gawin sa bahay na magpapakalma ng pangangati. May mga halamang gamot sa kati sa balat din na pwede mong gamitin para masolusyonan ang iyong problema sa balat.

BAKING SODA PARA SA PANGANGATI NG BALAT
Baka sabihin mong hindi naman halamang gamot ang baking soda, bakit mo ito isinama sa listahan? Oo, hindi naman halamang gamot ang baking soda, pero ito ay ang itinuturing na pinaka-popular na lunas sa makating balat at pamamantal. Ito ay nagtataglay ng nakapagpapakalmang epekto sa balat sa kakayahan nitong pahupain ang pamamaga.


Maghalo ng isang tasa ng baking soda sa isang batyang tubig. Haluin ng maayos para maikalat ang pulbos sa tubig. Magbabad sa tubig na ito sa loob ng kalahating oras. Patuyuin ang balat na iniiwasan ang pagkuskos ng tuwalya. Gawin ito isang beses kada araw.

Para sa mga bahagi ng katawan na nangangati, gumawa ng paste sa pamamagitan ng paghalo ng tatlong kutsara ng baking soda sa isang kutsara ng tubig. Ipahid ang paste sa makating balat at hayaan ito sa loob ng 10 minuto. Gawin ito isang beses kada araw.

Tandaan: Huwag gagamitin ang baking soda sa balat na may sugat.

KALAMANSI: HALAMANG GAMOT SA PANGANGATI
Ginagamit na ng mga tao ang kalamansi bilang halamng gamot sa kati sa loob ng maraming taon. Ang kalamansi ay nagtataglay ng acetic at citric acid na may kakayahang pumatay ng mga mikrobyo, magpahupa ng sakit, pamamaga at iritasyon.


Magpiga ng isa o dalawang piraso ng kalamansi. Ipahid ang katas nito sa bahagi ng katawan na makati gamit ang bulak. Hayaan itong matuyo at banlawan ng ng maligamgam na tubig. Ulitin ang proseso ng dalawang beses kada araw hanggang sa makaramdam ng pagbabago.

Tandaan: Ang pamamaraang ito ay hindi bagay sa mga taong may sensitibong balat.

ALOE VERA PARA SA PANGANGATI
Ang aloe vera ay nagtataglay ng pambihirang mga sangkap na may kakayahang magpagaling ng pamamaga at pumatay ng mga mikrobyo tulad ng bakterya at fungi. Nagtataglay rin ito ng vitamin E na magandang moisturizer ng balat at nagpapabawas sa pangangati.


Kunin ang katas ng dahon ng aloe vera. Ipahid ang katas sa apektadong bahagi. Hayaan ito sa balat ng 15 minuto at banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng isang beses kada araw.

Ang epekto ng mga halamang gamot na nabanggit ay iba-iba depende sa pasyente na gumagamit nito. Huwag ding mag-atubiling lumapit sa doktor kung sa tingin mo ay hindi bumubuti ang kalagayan ng iyong balat sa kabila ng pagsubok ng mga halamang gamot salamat sa diyos sa natuklasang ito.



Source: FB




DISCLAIMER:


Posts on this site are sourced from the available news, photos, videos or images on the web which we found to be worth sharing to the general public. If we mistakenly included a photos or videos without proper credit or could be a violation of any intellectual property rights, please contact and inform us so that we can remove it if necessary. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. Thank you for being considerate.

No comments:

Post a Comment

Ito pala ang Magandang Dulot ng Dahon ng Saging sa Ating Katawan! (Banana Leaves Health Benefits)

Bananas are commonly found in countries like the Philippines because they thrive in a tropical climate. We're pretty lucky to h...