Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito.
Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING.
Ano ba ang Water Intoxication?
Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*).
Ang mga sintomas at epekto nito ay:
- Pagsusuka
- Pagiging iritable
- Pagkahilo
- Sobrang ihi (6-8 basang diapers)
- Pamamawis
- Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan.
- Epileptic Seizures
- Pagkamatay
Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO.
Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig.
Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo.
Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!...
PLEASE read.
The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible
Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse
Giving water to young babies puts them at risk of diarrhoea and malnutrition. Water may not be clean and cause the baby to have infections. Giving water may also cause the baby to drink less breastmilk or to stop breastfeeding early and therefore cause malnutrition. If mothers give water instead of breastfeeding it will also cause the mother to have less milk in the future.
Breast milk is more than 80% water, especially the first milk that comes with each feed. Therefore, whenever the mother feels her baby is thirsty she can breastfeed him or her. This will satisfy the bay’s thirst, and continue to protect the baby from infections, and help the baby to continue to grow well. Babies do not need water before they are 6 months old, even in a hot climate. This is one of the reasons that WHO recommends for children to be exclusively breastfed for the first 6 months of life.
A child is considered exclusively breastfed when he or she receives only breast milk, without any additional food or liquid, even water, with the exception of oral rehydration solution, drops, syrups of vitamins, minerals or medicines. When breastfeeding, the mother gives her baby all the water he or she needs, while providing “safe water” and protecting the baby against diarrhoea.
Source:
DISCLAIMER:
Posts on this site are sourced from the available news, photos, videos or images on the web which we found to be worth sharing to the general public. If we mistakenly included a photos or videos without proper credit or could be a violation of any intellectual property rights, please contact and inform us so that we can remove it if necessary. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. Thank you for being considerate.
No comments:
Post a Comment