Sunday, June 3, 2018

ALAMIN ANG MALAKING BENEPISYO NG MALUNGGAY


Ang malunggay (moringa) ay kinikilala na "king of superfoods" dahil sa taglay nitong natural na sangkap na nakapagbibigay ng sobra-sobrang benepisyo sa ating kalusugan ng higit pa sa nakukuha natin sa ibang prutas at gulay. Ito ay nakapagbibigay ng sapat na lakas, sigla, nagkokontrol sa cholesterol level at nakatutulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng kanser at iba pang sakit.


Mga benepisyo ng Malunggay sa kalusugan:

1. Mayaman sa Calcium
* Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa calcium na pampatibay ng buto at panlaban sa osteoporosis. Ito ay kayang magbigay ng apat na beses na lakas ng calcium na makukuha sa gatas ng baka.

2. Mayaman sa Iron
* Makatutulong sa mga anemic o kulang sa dugo


3. Panlaban sa Stress
* Ang malunggay ay mayaman sa protein, potassium, Vitamins A at C na kilalang antioxidants


4. Pampabagal sa pag-edad ng katawan
* Dahil sa likas na antioxidants nito, nalalabanan ang mabilis na pagtanda


5. Pandagdag bitamina sa mga malnourished o payat na bata
* Mayaman ang bunga ng malunggay sa carbohydrates, iron, phosphorus at calcium




6. Pampalakas sa katawan ng maysakit
* Dahil sa marami nitong taglay na bitamina, mineral at amino acid, mabilis nitong napapalakas ang katawan ng maysakit na pasyente


7. Pampalakas sa gatas ng nagpapa-breastfeed na nanay
* Ugaliing maglagay ng dahon ng malunggay sa ulam araw-araw. Pwede rin itong pakuluan at inumin upang madagdagan ang iyong gatas. Ang mga sustansya ng malunggay ay makatutulong din sa bata sa loob ng iyong sinapupunan.


8. Gamot sa Sugat
* Durugin ang dahon ng malunggay at lagyan ng konting tubig bago painitin. Itapal ang paste sa sugat.


9. Lunas sa Constipation
* Magpakulo ng 2 cups ng dahon ng malunggay at inumin ang sabaw. Gawin ito sa gabi at tiyak na ilalabas mo ang dumi kinabukasan


10. Nakatulong upang mabalanse ang blood sugar
* Ang dahon ng malunggay ay mayaman sa flavanoids tulad ng quercetin na nakatutulong sa paggawa ng histamine at chlorogenic acid na parehong nagreresulta sa pagbalanse ng blood sugar.




11. Mayaman sa Vitamin C
* Ayon sa nailathala sa Ecology of Food and Nutrition, ang dahon ng malunggay ay pitong beses ang kayang ibigay na vitamin C sa katawan kumpara sa nakukuha natin sa pagkain ng orange.


12. Mayaman sa Vitamin A
* Ito ay nagbibigay ng Vitamin A na apat na beses ang lakas kumpara sa kayang ibigay ng carrots


13. Mayaman sa Potassium
* Kayang magbigay ng malunggay ng tatlong beses na potassium na nakukuha sa saging.


14. Anti-cancer
* Ayon sa isang pag-aaral, ang malunggay ay may natural na substance na isothiocyanates na nagpapalakas sa resistensiya ng katawan upang malabanan ang kanser.


15. Panlaban sa sakit sa puso at stroke
* Dahil nakokontrol ng isothiocyanates (na matatagpuan sa malunggay) ang blood pressure at blood sugar, nababawasan nito ang panganib ng pagkakaron ng sakit sa puso at stroke




Credit:Ricky Stings


DISCLAIMER:


Posts on this site are sourced from the available news, photos, videos or images on the web which we found to be worth sharing to the general public. If we mistakenly included a photos or videos without proper credit or could be a violation of any intellectual property rights, please contact and inform us so that we can remove it if necessary. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this Image/video and copyright parties. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. Thank you for being considerate.

1 comment:

Ito pala ang Magandang Dulot ng Dahon ng Saging sa Ating Katawan! (Banana Leaves Health Benefits)

Bananas are commonly found in countries like the Philippines because they thrive in a tropical climate. We're pretty lucky to h...